Categorized | Campaigns

Migrante Sectoral Party para sa Eleksyon 2010

Posted on 08 October 2009 by admin

“Sa mahabang panahon, marami na ang nagsalita para sa amin, panahon na ngayon na aming iparinig ang aming nagkakaisang tinig!” (“For a long time, others have been speaking in our behalf…It is now time to speak for ourselves.”) Ito ang panawagan ng Migrante International Chairperson Garry Martinez.

Ito ang panawagang isinisigaw ng migranteng Pilipino sa buong mundo.

 Taon-taon, libo-libong Pilipino ang lumalabas ng bansa upang humanap ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya. Sila ay nakikipagsapalaran ngunit marami sa kanila ang nagiging biktima ng pang-aabuso, nahaharap sa mga kaso at death row.

Sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), kalimitan ay hindi sila natutulungan ng mga embahada at konsulado na dapat ay nagtatanggol sa kanila. Ayon sa Migrante International, oras na upang magkaroon ng isang partido na tumatalakay sa mga isyu at nagtutulak ng batas na magiging batayan ng proteksyon at kalinga sa mga OFWs.

Noong nakaraang Setyembre ay pormal na nagsumite ang Migrante Sectoral Party (MSP) ng kandidatura sa Commisssion on Elections upang humabol sa nalalapit na eleksyon sa 2010.

Ayon sa MSP, marami sa mga kasalukuyang patakaran para sa mga OFW ang dapat na baguhin. Kasama dito ang pagsusuri sa mga programa ng gobyerno tulad ng Pre-Departure Orientation Seminar upang makatiyak na ito ay makatutulong sa mga OFWs kung magkaroon man sila ng problema. Nais din ng MSP gawing ‘non-bailable’ ang kaso ng illegal recruitment at baguhin ang ilang probisyon sa  Magna Carta for Overseas Filipino Workers or Republic Act 8042 upang maprotektahan ang mga OFWs sa mga panlilinlang. Isa pa sa mga plataporma ng MSP ay ang magsulong ng mga batas na maglalayong lumikha ng mga lokal na trabaho sa Pilipinas upang hindi na mapilitang mangibang-bansa ang mga Pilipino at iwanan ang kanilang mga pamilya.

Ang mga platapormang ito ay naglalayong tumulong hindi lamang sa mga OFWs kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya. Sa 2010 eleksyon, hindi lamang sa Overseas Absentee Voting umaasa ang MSP kundi pati na rin sa mga pamilya at kaibigan ng mga OFWs na nasa Pilipinas. 

Aming panawagan, suportahan ang Migrante Sectoral Party sa 2010 election! Íparating sa inyong mga kaibigan at pamilya! Sa 2010 iboto ang MSP!

References:

http://www.bulatlat.com/main/2009/09/23/arroyo-regime%E2%80%99s-failure-to-protect-ofws-pushes-migrante-to-seek-party-list-seat/

1 Comments For This Post

  1. John Torres Says:

    PAHAYAG SA MIDYA
    17 Oktobre 2009

    Pagbati!

    Mariin nating kinokondena ang kuwestyonable at hindi makatarungang COMELEC en banc Resolution No. 8679 kung saan tinanggal nito ang Migrante Sectoral Partylist para hindi makalahok sa halalan 2010. Ang ma-anomalyang hakbang na ito ng COMELEC ay lantarang pagsupil sa karapatan ng sektor-OFW’s para magkaroon ng tunay at lehitimong boses sa kongreso.

    Taliwas sa panuntunang-legal ang naging interpretasyon ng COMELEC sa Section 6, paragraph 8 na nakapaloob sa Partylist System Act (R.A. 7941). Malinaw na nakasaad sa naturang probisyon na maaari lang matanggal ang organisayong katulad ng Migrante Sectoral Partylist sa pangkalahatang-listahan ng COMELEC kung ito ay:

    1. Hindi nakalahok sa dalawang magkasunod na eleksiyon;
    2. Hindi nakakuha ng 2% ng boto sa ilalim ng partylist system sa loob ng dalawang magkasunod na eleksiyon.

    Sa aspetong legal at teknikal, hindi maaring gawing sangkalan ng COMELEC ang nabanggit na probisyon para hadlangan ang pagpupunyagi ng sektor-OFW na magkaroon ng representasyon sa kongreso. Noong 2004, pumalaot ang Migrante Sectoral Partylist sa halalan ngunit ito ay nabigo na makakalap ng botong itinalaga ng batas. Dahil dito napagpasyahan ng buong pamunuan ng Migrante Sectoral Partylist na palakasin ang baseng-masa at kasapian sa buong mundo na nagtulak upang ipagpaliban ang paglahok nito sa halalan noong 2007. Sa makatuwid, isang eleksyon pa lang na hindi nakalahok ang Migrante Sectoral Partylist at ito ay noong 2007.

    Dahil ba ang Migrante Sectoral Partylist ay kritiko ng rehimeng Arroyo kaya’t sagad ang pagwasiwas ng hindi makatarungan hakbang laban sa ating hanay? Ang iskemang ito ay isang tipo ng political harassment para patahimikin ang mga progresibong kilusan na patuloy na bumabatikos sa bulok na lipunan. May kasabwat na naman kaya ang Malakanyang sa COMELEC katulad ni Garci noon? Kung tutuusin ang Malakanyang ang may marubdob na pagnanasang tanggalin at patahimikin ang mga tunay na partidong kumakatawan sa marginalized sector ng lipunan natin. Sukdulang gumamit ng pandurukot, pagpatay sa mga kaanib at opisyales ng mga progresibong partylists. Ngayon naman ay ang pagtanggal sa Migrante Sectoral Partylist na tunay na kumakatawan sa interes ng mga Migranteng nasa labas ng bansa. Ngunit hindi tayo kailanman panghihinaan ng loob, bagkus, doble pa nating pag-iibayuhin ang pagmulat, pagmobilisa at pagpapakilos sa sektor na ating kinabibilangan para lalong mapagsilbihan ang malawak na bilang ng sambayan.

    Sa halip, dapat na tuunan ng COMELEC ay ang pag-aalis sa mga pekeng partylist na pakawala ng Malakanyang katulad ng Bantay (Jovito Palparan), ANAD (Jun Alcover), Kasangga (Ma. Lourdes Arroyo, kapatid ni Mike Arroyo) atbpa.

    Hinihimok natin ang masa’t sambayan na makiisa sa ating ipinaglalaban. Maging mapagmatyag at tutulan ang lahat na uri ng katiwalian!

    Migranteng Pilipino sa buong mundo, MAGKAISA!
    COMELEC Resolution No. 8679, IBASURA!

    (SGD.) John Torres
    Spokesperson
    Migrante Sectoral Partylist
    Eastern Region, KSA

    Email: john_torresrt@yahoo.com.ph

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

  • Highlighted Events

      No events to show
  • Our vision is to support a society where justice, freedom and equality reigns so that Filipino migrants stands proud of their heritage and can exercise their rights and potentials to the fullest.

     

    E-mail:

    Subscribe
    Unsubscribe

    Gallery

    1tipanan 1tipanan4 3tipanan 2tipanan

    Archives

    Calendar

    September 2010
    M T W T F S S
    « Aug    
     12345
    6789101112
    13141516171819
    20212223242526
    27282930  

    Upcoming Events

    • no upcoming events